Parak na nangotong sa police applicant, arestado

MANILA, Philippines — Inaresto ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang isang pulis na driver ng ambulansiya ng PNP Health Service na na­ngongotong ng P100,000 sa isang police applicant sa ikinasang entrapment operation sa Camarin, Caloocan City.

Kinilala ang suspek na si S/Sgt. Joel Bunagan, 37 na agad isinailalim sa summary dismissal proceedings.

Dinakip si Bunagan sa isinagawang entrapment operation noong Lunes, alas-3:00 ng hapon sa Waling-Waling Street, Sampaguita Subdivision, Barangay 175, Camarin, Caloocan City, bunsod ng  reklamo ng isang PNP applicant na hinihingan umano nito P100,000 upang maproseso ng PNP recruitment.

Nakuha  mula sa  suspek ang ilang tig-P1,000 marked money, I-Phone, at Keeway 125 blue and black motorcycle.

Nag-ugat ang kaso sa reklamo ng isang  PNP applicant na pinapangakuan umano ni Bunagan ang mga mga aplikante na may mga problema sa kalusugan na makakapasa sa medical examination kapalit ng P100,000.00- P150,000 na bayad.

Show comments