Kamara nagluklok ng ika-33 deputy speaker

MANILA, Philippines — Nagtala ng kasaysayan ang Mababang Kapulu­ngan ng Kongreso dahil sa pagtatala ng ika-33 Deputy Speaker sa ilalim ng liderato ni Speaker Lord Allan Jay Velasco.

Ito’y matapos na ihalal kahapon sa plenaryo ng Kamara si Biñan City Rep Marlyn “Len” Alonte bilang panibagong Deputy Speaker.

Sa sesyon ng plenaryo ay ini-nominate ni De­puty Speaker Juan Pablo “Rimpy” Bondoc si Alonte sa nasabing posisyon.

Samantalang, si  4th District Quezon City Rep. Jesus “Bong” Suntay naman ay iniluklok bilang Deputy Majority Leader sa puwestong binakante ni Alonte.

Bilang Deputy Spea­ker ay may karapatan na magkaroon ng karagda­gang pondo para sa ka­nilang mga staff at otomatikong magiging ex officio members ng lahat ng Komite ng Kamara na may kapangyarihang bumoto sa mga panukalang batas.

Si Velasco ang  may pinakamaraming Deputy Speaker sa kasaysayan ng Mababang Kapulu­ngan ng Kongreso dahil sa ilalim ng liderato ni dating Speaker Alan Peter Ca­yetano ay 22 ang Deputy Speaker ng Kamara.

Show comments