MANILA, Philippines — Simula kahapon, ipinagbabawal na ang pagpasok ng mga bata sa Luneta Park na nakasanayang pasyalan dahil na rin sa banta ng pagkalat ng COVID-19.
Sinabi ni Rizal Park Administrator Cecille Lorenzana Romero na kahit pinayagan pa nila na makapamasyal noong Pasko ang mga kabataan sa Luneta ay sinimulan na nila itong ipagbawal kahapon matapos mapagdesisyunan ng kanilang pamunuan at sa pakikipag-ugnayan sa Manila City government.
Mayroon umanong pami-pamilya na nagtutungo kasama ang mga bata na dumagsa nitong araw ng Pasko subalit dahil sa pagdagsa mas mabuting huwag na umanong payagang may mga batang makapasok sa Luneta lalo’t may bagong strain pa ng virus sa ibang kalapit na bansa at sa pagtaas na rin ng mga bagong kaso.
“Sa ngayon, para safe ang mga tao, ay hindi muna namin sila ia-allow kasama ang mga bata (na bumisita sa Luneta),” aniya sa isang panayam.