Pitmaster nagbigay ng P26 milyong ayuda sa mga sinalanta ng bagyo

MANILA, Philippines — Bagama’t unti-unti nang nakakabangon ang mga lugar na tinamaan ng magkakasunod na bagyong Rolly at Ulysses sa Luzon, tuluy-tuloy lang ang pagpapaabot pa rin ng tulong ng isang foundation. 

Ayon kay Atty. Caroline Cruz, ng Pitmaster Foundation Inc., aabot sa higit P21 milyon ang naiparating na sa mga LGU ng Cagayan, Isabela at NCR noong Nobyembre at ngayong Dis­yembre.

“Layunin lang po namin na makatulong sa mga LGUs hanggang sa muling makatayo sa sarili nilang mga paa ang kanilang mga constituents na pinadapa ng magkakasunod na kalamidad,” ani Atty. Cruz. 

Daan-daang sako at mga kahon ng mga pagkain ang inihatid ng Pitmaster Foundation sa Cagayan at Isabela, at maging sa ilang lungsod sa Metro Manila, kabilang na ang Marikina, nitong nagdaang mga araw.

Unang ipinamahagi ang mga pagkain at hygiene kits sa Isabela at Cagayan noong Nob­yembre na umabot sa P15 milyon ang halaga.

Sinundan pa ito ng pamamahagi muli ng relief goods sa NCR na aabot naman sa P6 milyon noong unang linggo ng Disyembre.

Show comments