MANILA, Philippines — Isang insulto, panghihimasok at pangmamaliit sa kredibilidad at kakayahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ginawang pagtatanggol ni House Speaker Lord Allan Jay Velasco sa red tagging laban sa Makabayan bloc solons.
Ito ang tahasang sinabi ni Trixie Angeles, isang batikang abogado, matapos namang kampihan pa ni Velasco ang Makabayan bloc solons laban sa naging akusasyon ni National Task Force To End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokesman Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. na may ugnayan ang nasabing mga progresisong mambabatas sa CPP-New People’s Army (CPP-NPA).
“With all due respect, Speaker Lord Allan Velasco. I understand you and all other congressmen are duly elected officials. And that you must speak this way to protect the men and women in Congress. But that does not mean you get to dictate military or legal strategy,” pahayag ni Angeles na sinabing sinisira ni Velasco ang kampanya ng gobyerno laban sa communist group.
Aniya, kung hindi rin alam ni Velasco ang nangyayari sa ground ay mainam na hayaan na sa isyu ang AFP sa halip na maliitin ang hakbang ni Parlade. Aniya, nakalulungkot na mismong si Velasco na mula sa administrasyon ang pumipigil dito sa halip na hayaang ang istratehiyang ginagawa ng AFP.