Caregiver nalaglag mula sa ika-8 palapag ng gusali, dedo

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang 53-anyos na si Victoria Salandron, stay-in caregiver matapos mahulog mula sa 8th flr Great Link Bldg. sa may No. 1221 Mayhaligue Street, Tondo, kahapon ng alas-6:00 ng umaga.

Ayon sa Manila Police District-Homicide Section, sila ay nakatanggap ng tawag mula sa MPD-Station 2 ukol sa pagkakatagpo ng isang babae na nahulog buhat sa penthouse ng Great Link Bldg.

Inabutan ng mga pulis ang bangkay ni Salandron na nagtamo ng sugat sa likuran ng ulo at mga pasa sa iba’t ibang parte ng katawan.

Show comments