World class standards ng MWLS, kinilalang ‘excellent’ sa proficiency testing

MANILA, Philippines — Pagkaraan ang isi­nagawang proficiency testing ng Waters ERA nitong Agosto at Set­yembre ng taong kasalukuyan ay kinilala ang Manila Water Labora­tory Services bilang Laboratory of Excellence kung saan inihambing ito sa higit 300 iba pang laboratoryo sa buong mundo.

Bilang pagtataguyod sa mga sertipikasyon at akreditasyong natanggap nito, sinikap ng MWLS na matamo ang pagkila­lang ito bilang pagpapatunay na ang mga pamamaraan at prosesong sinusunod nito ay pasado sa “world-class standards” upang masiguro na ang tubig na umaabot sa mga metro ng customer ay malinis at ligtas inumin at ang “wastewater effluent” ay nananatiling ligtas din upang itaguyod and pagkabuhay ng mga isda at halamang tubig sa mga ilog.

“Layunin ng Manila Water Laboratory Services na ang resulta ng aming mga pagsusuri ay wasto at mapagkakatiwalaan kaya’t sumailalim kami sa Proficiency Tes­ting ng ERA. Ikinagagalak naman namin na lahat ng test parameters na sinuri ay nakatanggap ng “satisfactory” na marka,” wika ni MWLS Head Ms. Joy De Vera.

Mayroon nang akreditasyon ang MWLS kaugnay ng pamantayan ng ISO 17025:2017 sa “qua­lity management system for testing and calibration laboratories” at mula sa Department of Health (DOH) ay kinilala rin ng Department of Natural Resources (DENR) bilang Environmental Laboratory.

Show comments