Dark Ages’ sa power system sa Iloilo City natapos na - PAPI

MANILA, Philippines — Natapos na umano ang panahon ng kadiliman o dark ages ng mga Ilonggo dahil sa pagpasok ng bagong distribution utility na More Electric and Power Corp. (More Power) kung saan naging ordinaryong pamumuhay na ang palagiang brownout sa buong Iloilo City na ayaw na nilang muling balikan.

Sa special report ng Publishers Association of the Philippines Inc. (PAPI) patukoy sa estado ng power supply sa Iloilo City na makikita sa http://www.papi.com.ph/wp/all-the-fuss-about-peco-and-whats-more-with-more-power/)  ay inisa-isa nito ang dahilan ng naging pagbagsak ng kontrobersiyal na 96-taong pamahahala ng Panay Electric Company. (PECO) at kung bakit ito inayawan hindi lamang ng mga customers kundi mismo ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan na syang nag-inisyatibo na hilingin sa Kongreso at Energy Regulatory Commission (ERC) na palitan ang kanilang power supplier.

“PECO, for much of its last years as the city’s electric power distribution utility, had become synonymous to the phrase “technical incompetence” following years of unexplained and prolonged power interruptions that for a while had actually threatened the economic viability of Iloilo City turning off investors instead of attracting them. PECO’s service, at least in its last few years, was nothing but a complete mess,” nakasaad sa nasabing report.

Ang operational lapses ng PECO na tinukoy ng ERC kasama na dito ang hindi maayos na protective devices,hindi ligtas na mga poste, overheating na mga substations, hindi pagsasagawa ng upgrade sa kanilang lumang distribution system sa maraming taon at kwestyunableng meter reading kaya nagkaroon ng P631M refund sa mga consumers ang syang nagbigay daan para bawiin ang prangkisa, operational at business permit nito.

Samantala sinabi naman ng ilang business at church leaders sa Iloilo City na inaasahan na nila ang maliwanag na pamumuhay sa Iloilo City sa pag-alis ng PECO at pinanghahawakan ang pangako ng bagong distribution utility na More Electric and Power Corp. (More Power) sa mas maayos na serbisyo.

Show comments