Pagtatayo ng National Academy of Sports, batas na

MANILA, Philippines — Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na naglalayong magkaroon ng National Aca­demy of Sports (NAS) sa bansa. Layunin ng Republic Act 11470 na ma-institutionalize ang isang educational system na naaayon sa isang national sustainable sports program.

Ang NAS ay itatayo sa New Clark City sa Capas, Tarlac. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ang panukala ay isa sa mga naging prayoridad na binanggit ng Pangulo sa kanyang nakaraang State of the Nation Address.

Inirekomenda ni Sen. Christopher “Bong” Go ang pagsasabatas ng panukala bilang chairman ng Senate Commitee on Sports at isa sa principal authors ng RA 11470.

Show comments