Killer ng ex-police colonel natimbog dahil sa FB

MANILA, Philippines — Malaki ang naitulong ng Facebook sa mga otoridad upang matunton at maaresto ang isang wanted na akusado sa pagpatay sa isang dating police official ng Manila Police District noong Sabado sa Sogod, Leyte.

Ang suspek ay kinilalang si Prelan Grama alyas “Allan at Kalbo” at kilala rin bilang Allan Arciento, na may address na 2044 T. Mapua St.,  Sta. Cruz, Maynila, at Barrio Buenlag, Binalonan, Pangasinan, na may nakabinbing mga kasong murder, carnapping at robbery sa Manila Regional Trial Court Branch 21.
Sa pakikipag-ugnayan ng RSOG at RMFB sa Regional Intelligence Unit-NCR at local police sa  Sogod,Leyte ay naisilbi kay Grama ang warrant of arrest dakong alas-7:00 ng gabi ng Mayo 16, sa Brgy. Zone 5.

Ayon sa mga otoridad, nakakuha sila ng impormasyon sa FB account ni Grama at dalawang buwang isinailalim sa casing at surveillance bago natunton sa lugar kung saan namamasukang construction worker.

Batay sa record, sangkot si Grama sa pagpatay noong Disyembre 27, 2015 kay retired P/Supt. Cipriano Herrera, dating hepe ng MPD-Station 3 na kalaunan ay tumakbo at naupong barangay chairman sa Maynila.

Show comments