MANILA, Philippines — “Kailangang madaliin ang pagpapaunlad sa mga probinsya para magtagumpay ang Balik Probinsya Program”.
Ito ang iginiit kahapon ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go na bukod sa tulong na mapaluwag ang Metro Manila ang programa ay naglalayon na palakasin at paunlarin ang ekonomiya ng mga probinsya na napapanahon dahil base sa pinakahuling tala ng Department of Health, 70 porsiyento na infected ng COVID-19 ay mula sa Metro Manila.
“Malaking factor po sa pagkalat ng COVID-19 sa Metro Manila ang congestion o overcrowding. Sabi nga ng mga eksperto, maraming global pandemics pa po ang mararansan ng mundo sa hinaharap. Kailangan po natin ng mas proactive at pangmatagalan solusyon dito upang mas maging handa tayo sa hinaharap,” wika ni Sen. Go.
Idinagdag pa ni Go na ang pinaka-epektibong solusyon sa dencongestion ng Metro Manila ay ang “Balik Probinsya Program” na kung saan ay pag-aaralan din kung paano mas mae-empower ang mga probinsya upang magkaroon sila ng kapasidad na tulungan ang kanilang mga nasasakupan.
Ikinalugod naman ni Go, ang positibong pagtanggap sa isinusulong na programa lalo na ang ilang mga key officials ng pamahalaan tulad ng Department of Trade and Industry (DTI) na nakahandang magbigay ng karagdagang insentibo sa mga negosyo na itatayo sa mga probinsya.