Chinese tiklo sa P1.7 milyong pekeng gamot ng COVID-19

MANILA, Philippines — Isang Chinese natio­nal na nagbebenta ng mga kapsula na ipinagmamalaki niyang gamot sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang nadakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang entrapment operation sa lungsod ng Maynila.

Kinilala ni NBI OIC Director Eric Distor ang inaresto na si Shi Jianchuan, negosyante na nag-ooperate sa Binondo, Maynila.

Sa pamamagitan ng media app na “WeChat”, umorder ang NBI sa suspek ng anim na kahon ng naturang gamot sa halagang P240,000.  Nag­lalaman ang isang kahon ng 400 pakete na may 24 na kapsula.

Agad nagkasa ng entrapment operation ang NBI nitong Abril 22 kasama ang mga kinatawan ng Food and Drugs Authority (FDA) sa may San Nicolas, Maynila ngunit pinasunod sila ng suspek sa may Madrid Street sa Binondo.  Dito na inaresto ang suspek nang ibaba ang anim na kahon ng gamot na may tatak na “Linhua Qingwen Jiaonang”at magkabayaran.

Nasamsam sa suspek ang anim na kahon na “subject of sale” at may halagang P400,000; 34 pang kahon ng gamot na may halagang P1,360,000 at marked money na ginamit sa operasyon. Nabatid na.

Show comments