MANILA, Philippines — Iniulat ni House Secretary General Atty. Jose Luis Montales na isang security personnel ng Kamara ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID) 19 na huling nag-report sa trabaho nitong nakalipas na Enero.
“The employee was admitted again after testing positive, though has been asymptomatic since,” pahayag ni Montales.
Ayon kay Montales, ang nasabing security personnel ay sumasailalim sa dialysis at unang na-confine sa ospital noong Abril 7 dahil sa sakit na pneumonia. Apat na araw matapos ito ay pinalabas siya sa ospital.
Noong Marso, isang staff na nagtratrabaho sa Printing Service ng Kamara ang napaulat na positibo sa COVID-19 habang ang iba pa ay mga Persons Under Investigation (PUIs) at Persons Under Monitoring (PUMs).
Isa sa mga empleyado na nagpositibo sa COVID-19 ay nasawi sa nasabing pandemic na virus habang ang isa pa ay sumunod namang nahawaan ilang araw matapos nitong makasalamuha ang kasamahan.