Trak tumagilid: 10 patay

MANILA, Philippines — Sampung katao ang nasawi habang 6 iba pa ang nasugatan nang tumagilid ang sinasakyan nilang Elf truck na puno ng mga troso, kamakalawa ng hapon sa Purok 1, Brgy. Liguac, Pitogo, Zamboanga del Sur.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Rey Alfornon, 24; Orlando Sabejon, 44; Noel Cabellon, 19; Berlindo Labador, 34; Edwin Delos Santos, 70; Marvin Hemang, 30; Loui Jay Omandam, 34; at ang isang 15-anyos na binatilyo habang inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawang na nasawi habang ginagamot sa ospital.

Sa imbestigasiyon, bago nangyari ang aksidente, alas-2:15 ng hapon ay lulan ang 16 obrero sa Elf truck na puno ng mga troso nang magkaaberya ito at tumagilid na kung saan ay agad namatay ang walo nang maipit habang ang dalawa ay namatay habang ginagamot sa ospital.

Sumuko naman ang driver ng Elf truck at dinala sa  Pitogo-MPS na kakasuhan ng  reckless Imprudence resulting to multiple homicide and multiple physical injuries.

Show comments