MANILA, Philippines — Lasog ang katawan ng 2-anyos na si Theresa Dior Mendoza nang aksidenteng mahulog mula sa ika-30 palapag ng kanilang condominium sa Araneta Center, Brgy. Socorro, Quezon City, kamakalawa ng alas-2:45 ng hapon.
Sa imbestigasyon, kalilipat lamang ng pamilya ng biktima sa Unit 30 ng nasabing condo mula sa dati nilang bahay sa Alaminos, Pangasinan.
Abala sa paglilinis at pagsasaayos ng kanilang mga kagamitan ang ina ng bata at kaanak nang naiwanan sa guest room ang biktima, subalit na-lock ang seradura at nasa loob din ang susi nito.
Nakita ang bata na nakasungaw sa bintana at eksaktong sasagipin nang tumuntong sa maleta at agad nahulog na ito.