MANILA, Philippines — Umapela ang lider ng Simbahang Katoliko sa Philippine financial institutions na tigilan na ang pagbibigay ng pondo para sa pagpapalawak ng ‘coal operations’ sa bansa at sa halip ay suportahan ang pag-unlad ng ‘renewable energy.’
Inihayag ni Bishop Gerardo Alminaza, ng Diocese ng San Carlos, Negros Occidental sa ginanap na 3rd Philippine Environment Summit na isinagawa sa Grand Caprice Convention Center sa Cagayan de Oro, ang ‘banks financing coal’ ay hindi lamang ang ‘climate crisis’ ang pinopondohan, kundi pinahihirapan din nito maging ang mga ‘coal-affected communities.’
Kasabay nito, pinuri naman ng Obispo si Pangulong Rodrigo Duterte sa naging direktiba nito sa nakaraang State of the Nation Address (SONA) nitong 2019 na pagtuunan at mabilis na subaybayan ang pag-unlad ng ‘renewable energy resources’ at huwag dumepende sa karbon.
Subalit, tila binabalewala umano ito ng iba’t ibang sektor, kabilang ang finance industries.