Star witness sa masaker, itinumba

Sa ulat, dakong alas-5:40 ng hapon kamakalawa nang pagbabarilin ng riding-in-tandem suspect ang biktima habang ito ay naglalakad sa kanto ng Yuseco at Ilustre Sts., Barangay 225 Sta. Cruz, Maynila na dinala ng da­lawang pamangkin sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC), subalit idineklarang dead on arrival.
File

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 53-anyos na ginang na star witness sa naganap na masaker noong Nob­yembre 12, 2012 nang ito ay pagbabarilin kamakalawa ng gabi ng riding in tandem suspek sa Sta.Cruz, Maynila.

Ang nasawi ay kinila­lang si Myrna Tandiama, ng no. 1299 Herrera St., Tondo, Maynila.

Sa ulat, dakong alas-5:40 ng hapon kamakalawa nang pagbabarilin ng riding-in-tandem suspect ang biktima habang ito ay naglalakad sa kanto ng Yuseco at Ilustre Sts., Barangay 225 Sta. Cruz, Maynila na dinala ng da­lawang pamangkin sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC), subalit idineklarang dead on arrival.

Bago ito ay kumuha ng certificate to file action sa barangay hall ang biktima upang ireklamo ang isang barangay official na nangha-harass umano sa kaniya matapos silang magkasundo sa paghaharap sa barangay.

Ang biktima ay testigo laban sa isang barangay tanod na si Nestor Delizalde, 34, na suspek sa pagpatay sa mag-inang Evelyn Tan, BDO opisyal; ina na si Teresa, 74 at kasambahay na si Kristina Bartolay, 22 noong Nobyembre 12, 2012 na napatay din makalipas ang tatlong araw nang ito ay mang-agaw umano ng baril habang sakay ng police car para sa recovery operation ng kaniyang mga ninakaw sa bahay ng pamilya Tan.

Show comments