Nagpakalat ng fake news sa nCoV tugis ng pulisya

Sabi pa ni Malaya, dahil sa kumalat na infographics, hindi maiwasang mag-alala ang mga Pilipinong nasa ibang mga bansa na baka maisailalim sila sa quarantine pagdating sa Pilipinas.
STR/AFP

MANILA, Philippines — Tinutugis na ng pulisya ang mga nasa likod nang pagpapakalat ng fake news tungkol sa novel coronavirus nitong nakalipas na linggo.

Sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya sa media briefing sa Malacañang, inatasan na ni DILG Sec. Eduardo Año ang Phi­lippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na siyang maghahanap sa mga nagpakalat sa social media ng infographics patungkol sa memorandum order umano ng DILG na magpapatupad ng mandatory quarantine para sa mga Pilipinong manggagaling sa mahigit dalawampung bansa na nagdulot nang pagkabahala sa publiko.

Anya, malinaw na ni­labag ng mga nagpa­ka­lat ng infographics ang batas at ang cyber crime act kaya titiyakin ng gobyerno na maparusahan ang mga gumagawa ng pag­kabahala sa publiko.

Sabi pa ni Malaya, dahil sa kumalat na infographics, hindi maiwasang mag-alala ang mga Pilipinong nasa ibang mga bansa na baka maisailalim sila sa quarantine pagdating sa Pilipinas.

Binigyang-diin ni Malaya na walang ganyang desisyon ang DILG kaya’t pinayuhan ang publiko na makinig lamang sa mga abiso at pa­nawagang ilalabas ng Inter-Agency Task Force na nakatutok sa usapin ng nCoV.

Show comments