MANILA, Philippines — Lalo pang pinalakas ang Emergency 911 sa pagresponde sa mga kalamidad na nagaganap sa bansa para magligtas ng mga buhay.
Sinabi ni Emergency 911 Executive Director Diosdado Valeroso na kapit-bisig ang private firms at mga indibidwal sa pagtugon sa anumang emergency cases lalo na kung may kalamidad.
Ang Emergency 911 National Office na nilikha ng Executive Order 56 ang nagpapatupad ng Emergency 911 National Program at Secretariat ng Emergency 911 Commission na pinamumunuan ni DILG Secretary Eduardo Año.
Ang National Call Center functions nito bilang isang central hub ay tumatanggap ng mga tawag at ayuda sa publiko na nangangailangan ng tulong.
Umaasa rin ang Emergency 911 National Office na makabuo ng mas matinding communication systems na mangangasiwa sa anumang emergency calls mula sa alinmang panig ng bansa.