Kelot nag-amok timbog sa P.2-M shabu

MANILA, Philippines — Isang 40-anyos na lalaki ang inaresto ng mga pulis matapos itong mag-amok at nakumpiskahan pa ng higit P200,000 halaga ng shabu sa tapat ng isang supermarket sa may Monumento, Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Ang suspek ay kinilalang si Lito Reyes,40, jeepney driver ng. 0315 BMBA Compound, 2nd Avenue, East Gracepark, Brgy. 120, ng naturang lungsod.

Sa ulat, alas-5:25 ng hapon nang rumesponde ang mga tauhan ng Mobile Patrol Unit sa ulat ng isang lalaki na nag-aamok sa harapan ng Jackman Plaza sa may Rizal Avenue Extension, Monumento, Brgy. 88, ng naturang lungsod.

Naabutan ng mga pulis si Reyes na nagwawala at may hawak na patalim na iwinawasiwas niya sa mga tao sa lugar. 

Nang makatiyempo ang mga pulis ay dinakma nila ang suspek at tuluyang maposasan.

Nakuha sa posesyon ng suspek ang 12 plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 34 gramo at may halagang P231,000 at isang maliit na timbangan.

Show comments