MANILA, Philippines — Bawal kainin ang shellfih products mula sa 19 lugar sa bansa.
Ito ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) dahil sa mataas na level ng lason ng red tide na nakita sa mga baybayin batay sa latest water sampling na ginawa ng ahensiya.
Ayon sa BFAR ang mga lugar na bawal kunan, ibenta at kainin ang shellfish products tulad ng tahong, talaba at halaan ay mula sa baybayin ng Bataan sa Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay at Samal gayundin sa Puerto Princesa Bay, Puerto Princesa City Palawan; Coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City Bohol; Irong-irong, San Pedro at Silanga Bays sa Western Samar; Matarinao Bay sa Eastern Samar; Cancabato Bay, Tacloban City Leyte; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.
Ang mga makakakain ng shellfish na may red tide ay maaaring magsuka, magka-diarrhea, sumakit ang kalamnan o maaaring ikamatay ng isang tao.