Presyo ng petrolyo tataas sa bisperas ng Pasko

Maaari namang wa­lang maganap na pagtaas sa presyo ng gasolina o kaya naman ay mabawa­san ng bahagya sa halagang P.10 sentimos kada litro.

MANILA, Philippines — Base umano sa dikta ng presyuhan ng krudo sa international market ay nagbabadya ng pagtaas sa bisperas ng Pasko ang presyo ng mga produktong petrolyo partikular ang diesel at kerosene.

Sa pagtataya ng mga oil industry experts, ina­asa­han na tumaas ang presyo ng Diesel mula P1.10 hanggang P1.20 kada litro habang ang Kerosene naman ay tataas ng mula P1 hanggang P1.10 kada litro.

Maaari namang wa­lang maganap na pagtaas sa presyo ng gasolina o kaya naman ay mabawa­san ng bahagya sa halagang P.10 sentimos kada litro.

Anya, tumaas ang demand o pangangailangan­ sa diesel kumpara sa ga­solina kasunod ng kasun­duan ng China at US.

Show comments