MANILA, Philippines — Inihayag nina Manila Water president at CEO Jose Almendras at Maynilad president at CEO Ramoncito Fernandez sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability na hindi na nila sisingilin ang gobyerno ng P10.8 bilyon na ini-award sa kanila ng court of permanent arbitration sa Singapore.
Sa pagdinig ay sinabi nina Almendras at Fernandez na susunod sila sa kahilingan ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na pagbabayarin ang gobyerno ng nasabing halaga.
Bukod dito sinabi rin ni Almendras na hindi na magpapatupad ang Manila Water ng scheduled rate increase sa Enero 2020 na ipinarating na rin nila sla MWSS sa pamamagitan ng isang liham noong Disyembre 3 para na rin magkasundo kung paano maayos at maipapatupad ang pagpapaliban sa nasabing inaprubahang taas singil sa tubig.
Handa rin umano ang ang Manila Water na makipag ugnayan sa gobyerno para irebyu ang “onerous” provisions na sinasabi ng pangulo sa concession agreement.