Salesman nanalo sa lotto

Plano ng bagong milyonaryo na gamitin ang napanalunang salapi para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.
Geremy Pintolo/File

MANILA, Philippines — Isang 50-anyos na salesman ang naging ­instant milyonaryo nang solong mapanalunan ang P22 milyong jackpot prize sa Mega Lotto 6/45 na binola noong Nob­yembre 15 dahil sa mga numerong napanaginipan lamang niya.

Nagtungo kahapon ng umaga sa tanggapan ng Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO) sa Mandalu­yong City ang lotto winner upang kubrahin ang kanyang napanalunang salapi.

Ikinuwento ng lotto winner na napanaginipan niya ang masuwerteng combination number na 19-07-09-06-22-16, kaya kaagad niya itong tina­yaan sa Makati City.

Plano ng bagong milyonaryo na gamitin ang napanalunang salapi para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.

Show comments