Sakit mula China pinababantayan

MANILA, Philippines — “Gumawa ng kaukulang hakbang ang Philippine Port Authority (PPA) at Department of Health (DOH) para masigurong hindi makakapasok sa bansa ang nakakamatay na sakit mula China”.

Ito ang hiling ni  2nd district Cayagan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na dapat maglatag na agad ang DOH at PPA ng mekanismo para hindi makapasok sa bansa ang nakamamatay na sakit na “Bubonic plague” lalo na sa rami ng bilang ng Chinese nationals na dumarating.

Matatandaan na dalawa katao ang nasawi sa China’s Inner Mongolia Autonomous Region dahil sa Bubonic plague.

Dapat din umanong hilingin ng administrasyong Duterte sa gobyerno ng China na magpatupad ng sarili nilang quarantine sa mga komunidad na laganap ang “Black Death” na ikinamatay ng 50 milyon sa Europa noong 14th century kung saan sila humiwalay din sa pamamagitan ng isang protocol para hindi na kumalat ang nakamamatay na sakit.

Kaya dapat na bantayang mabuti lalo pa at base sa record ng Bureau of Immigration ay may kabuuang 3.12 milyon Chinese ang pumasok sa bansa mula Enero 2016 hanggang May 2018.

Show comments