MANILA, Philippines — Hindi bigo ang Build, Build, Build program ng Duterte administration.
Ito ang sinabi kahapon ni Bases and Conversion Development Authority (BCDA) President and CEO Vivencio “Vince” Dizon at hindi sang-ayon na tawaging hindi epektibo at hindi tagumpay ang naturang programa ng gobyerno.
Katunayan anya, ay marami na sa mga flagship projects ng Duterte administration ay natapos na.
Sa mga proyektong ito, 35 ang patuloy pang ginagawa, 32 ang matatapos sa loob ng anim hangang walong buwan, 21 ang nasa advance stages ng government approval, at 12 ang nasa advance stages ng feasibilities.
Nilinaw din nito na lumang record ang hawak na listahan ni Sen. Franklin Drilon nang sabihin nito na ‘dismal failure’ ang Build, Build, Build program ng pamahalaan.
Aminado naman si Dizon na may mga pagkukulang pa rin sila na maaaring punan para mas mapabilis pa ang naturang programa ng kasalukuyang administrasyon at hindi naman ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na matatapos sa loob ng kanyang termino ang mga big ticket projects.