Nasibak na pulis, binaril sa ulo

Sa ulat, bago naganap ang krimen alas-10:55 ng gabi sa loob ng Cusi-Nah Bar sa may No. 2437 St., Brgy. 95 Zone 11 ay nakikipag-inuman ang biktima kasama ang hindi pinangalanang anak na lalaki at isang kaibigan.
File

MANILA, Philippines — Isang dating pulis ang nasawi nang ito ay malapitang barilin sa ulo ng isang lalaki sa loob ng isang bar sa Pasay City na kung saan ay tinamaan ng ligaw na bala ang isang babae, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si Joselito Lopez, 46-anyos, dating miyembro ng Pasay City Police Station, nakatira sa Apelo Cruz Extension, Malibay, Pasay City. Sinibak ito ng Ombudsman dahil sa hinahawakang kaso sa droga.

Nagpapagaling naman sa Pasay City General Hospital si Arlene Israel, 31, na tinamaan ng bala sa kaliwang binti.

Sa ulat, bago naganap ang krimen alas-10:55 ng gabi sa loob ng Cusi-Nah Bar sa may No. 2437 St., Brgy. 95 Zone 11 ay nakikipag-inuman ang biktima kasama ang hindi pinangalanang anak na lalaki at isang kaibigan.

Nang sumulpot ang isang lalaki na nakasumbrero at face mask at walang sabi-sabing pinagbabaril si Lopez sa ulo habang tinamaan ng ligaw na bala si Israel na nasa kabilang lamesa.

Nakatakas ang salarin dahil sa walang security guard ang natu­rang establisimiyento.

Show comments