8 kidnaper nadakip, 2 Chinese nasagip

Kinilala ni Police Lt. Col. Elmer Cereno, spokesman ng PNP-AKG ang mga nailigtas na biktima na sina Wang Zhe, 21; at Zhang Jia, 32; pawang mga Chinese nationals at mga dating empleyado ng Philippine Offshore Ga­ming Operators (POGO) ng Di Wang Online Gaming na nakabase sa Invech Treasure, Bldg. E, Six West Campus, Legrand Ave., McKinley Hill, Fort Bonifacio, Taguig City.
File

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang walong kidnaper at nasagip ang dalawang biktimang Chinese sa isang rescue operation sa McKinley Hill, Fort Bonifacio, Taguig City.

Kinilala ni Police Lt. Col. Elmer Cereno, spokesman ng PNP-AKG ang mga nailigtas na biktima  na sina Wang Zhe, 21; at Zhang Jia, 32; pawang mga Chinese nationals at mga dating empleyado ng Philippine Offshore Ga­ming Operators (POGO) ng Di Wang Online Gaming na nakabase sa Invech Treasure, Bldg. E, Six West Campus, Legrand Ave., McKinley Hill, Fort Bonifacio, Taguig City.

Ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina Zou Jian Cong alyas Jason, 26; Yang Yu Yang alyas Yang, 41; pawang mga administration specialist; Bruce Gao Zhan alyas Bruce, 26, external administration supervisor; Chen Xing Deing alyas Chen San, 49, external administration supervisor; Wang Jian Bo alyas Shunzi, 31, may-ari ng Di Wang Online Gaming; Jose Marlito, 35; operation utility.

Kasama rin sa mga inaresto ay ang mga security guard na sina Pepe Mengullo, Security officer ng JIDV Security Agency  at Welson Borlado, Security Officer ng Dr. Bros Security and Investigation Services Inc.

Ang mga biktima ay kinidnap malapit sa Hotel 101 sa Pasay City kung saan ang mga bihag  ay isinakay sa Toyota van at dinala sa tanggapan ng Di Wang Online Gaming  sa nabanggit na lugar at dito’y ipinara-ransom sa kanilang mga pamilya sa China kapalit ng kanilang kalayaan.

Nagpadala ng wire transfer na 68,000.00 thousand RMB noong Sept 27 at 219,000.00 RMB naman noong Sept 30 ang kanilang mga pamil­ya, pero hindi pa rin pinakawalan ang mga bihag.

Kaya’t humingi na ng tulong sa PNP-AKG ang isa nilang kaibigan na rati ring empleyado ng naturang POGO operation at isinagawa ang rescue operation nitong October 2.

Show comments