MANILA, Philippines — Isa na namang panibagong kaso nang pagkamatay sa meningococcemia ang isang 3-anyos na batang lalaki habang isa pang 16-anyos na dalagita na hinihinalang kaparehong kaso ang ginagamot ngayon sa San Lazaro Hospital sa Maynila.
Kinumpirma ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na meningococcemia ang ikinasawi ng 3-anyos na batang lalaki mula sa Naga city at binawian ng buhay sa Bicol Medical Center noong Setyembre 28.
Una nang napaulat ang pagkamatay ng isang 53-anyos na babae mula rin sa Tanauan City, Batangas dahil sa meningococcemia noong Set. 21.