Seminar sa paggawa ng herbal organic soap

MANILA, Philippines — Ang Golden Treasure Skills and Development Program ay magdaraos ng seminar tungkol sa paggawa ng mga handmade organic soap. Ito ay gaganapin sa Golden Treasure Skillls Training Center sa 9 Anonas Rd. Proj. 3, Quezon City sa ika-14 ng Setyembre,  Sabado, sa ganap na alas-10:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi

Magkakaroon ng actual demo, hands-on at lecture na kung saan ang mga lalahok ang mismong gagawa ng mga sabon tulad ng milk soap, na mula sa goat’s milk, oatmeal soap, green papaya soap, kalamansi with gluta soap, transparent soap with vitamin E, chunked transparent soap, na may iba’t ibang kulay at hugis, layered and embedded transparent soap, glycerine soap na hinaluan ng mga fresh flower extract, pati na rin mga soap scrub ay ituturo rin tulad ng chocolate soap, pumice, soap, luffa soap at marami pang iba.Ituturo rin sa seminar ang soap decorating, packaging, at soap wrapping para sa magandang finished product presentation ng mga ginawang sabon at iba pa.

Para sa reservation, tumawag sa 433-98-14; 587-47-46; at cel. nos. 0995- 273- 8518: 0908-133-7314 o mag log on sa www .GoldenTreasueSkills.ph  o i-like and follow  kami sa aming Facebook page at Instagram sa  Golden Treasure Skills Development Pro.

Show comments