2 Chinese inaresto sa pagmamaneho ng lasing

MANILA, Philippines — Dalawang Chinese na pawang mga lasing ang dinakip dahil sa overspeeding, walang lisensiya at paso na ang car registration sa  isinagawang checkpoint ng pulisya kahapon  ng madaling araw sa Binondo, Maynila.

Ang dalawang Chinese national ay kinilalang sina Cai Fang Bin at Man-Man Chen na hindi umano iginalang ang paninita ng pulis sa itinayong checkpoint sa panulukan ng C.M. Recto Ave­nue at Sanchez St., Binondo dakong alas-2:20 ng madaling araw.

Ang dalawang Chinese ay mahaharap sa kasong paglabag sa Section 56 ng Republic Act 4136, (Act to Compile the Laws Relative to Land Transportation and Traffic Rules, to Create a Land Transportation Commis­sion and for other Purposes, resistance and dis­obedience to a person in authority or the agents of such person, as well as interfering with police duties.

Show comments