2 Sri Lankan bomber nasa Pinas

“The PNP remains alert and vigilant to prevent occurrence of crimes and ready to respond to any call for assistance for any emergency, disaster or calamity”, pahayag ni PNP Spokesman Police Brig. Gen. Bernard Banac.
File

MANILA, Philippines — Umalerto ang Phi­lippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay ng napaulat na dalawang Sri Lankan suicide bombers umano ang nakapuslit sa bansa at maghahasik ng karahasan sa ‘soft targets’ sa Luzon.

“The PNP remains alert and vigilant to prevent occurrence of crimes and ready to respond to any call for assistance for any emergency, disaster or calamity”, pahayag ni  PNP Spokesman Police Brig. Gen. Bernard Banac.

Base sa report, ang dalawang banyaga ay eksperto sa paggawa ng bomba at pag-atake sa mga simbahan bilang mga soft targets sa Luzon.

Samantalang sa watchlist mula sa Manila International Airport Authority ay tinukoy ang mga ito na sina Kevin Samhoon at Victoria Sophia Sto. Domingo na umano’y may mga kamag-anak sa Pilipinas.

Si Samhoon ay may ugnayan sa National Thowheed Jama’ath, isang terrorist group na nasa likod ng Easter Sunday attack sa Sri Lanka noong Abril ng taong ito na kumitil ng buhay ng 250 katao.

Iniulat naman na si Sto. Domingo ay isang ‘black belter’ na nagsasanay sa mga bata at kababaihan sa bomb ma­king kung saan may Philippine at Sri Lankan passport ito na dumating sa Pilipinas noong Nob­yembre ng nakalipas na taon habang si Samhoon ay nito namang Hunyo ng taong ito.

Sa kasalukuyan, ayon pa sa opisyal ay patuloy na bineberipika ang nasabing kumalat na balita sa mga Sri Lankan suicide bombers sa pakikipagkoordinasyon sa AFP.

Show comments