US warship dumating sa bansa

Ang nasabing US warship ay dumating matapos magpartisipa sa pinakamalaking US-Australian bilateral exercise Talisman Sabre.
US Navy/Mass Communication Specialist 2nd Class Janweb B. Lagazo

MANILA, Philippines — Isa sa mga warship ng Estados Unidos Navy’s Strike Group USS Ronald Reagan ang dumating kahapon para sa ilang araw na port call visit sa bansa.

Ang nasabing US warship ay dumating matapos magpartisipa sa pinakamalaking US-Australian bilateral exercise Talisman Sabre.

Ang nasabing carrier ay may kasamang strike group na kinabibilangan ng Ticonderoga-Class guided missile cruisers USS Chancellorsville (CG 62 ) at USS Antietam ( CG 54 ) na dumaong sa Manila Bay.

Ang USS Ronald Reagan (CVN 76) ay nag­layag mula sa homeport nito sa Yokosuka, Japan noong Mayo 22 kaugnay nang pagsisimula ng regular na deployment nito sa Indo-Pacific Region at una nang bumisita sa bansa noong Hunyo 2018. 

Show comments