QC shootout: 2 holdaper nautas

MANILA, Philippines — Dalawang holdaper ang nasawi nang ito umano ay manlaban sa mga otoridad sa naganap na shootout sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Isa sa nasawi ay nakilala sa pamamagitan ng ID na nakuha sa kanyang katawan na si Danny Diaz, 34 ng Sampaloc, Maynila, habang ang isa ay kinilala sa mga  alyas na Freda,  David at Imer na sinasabing miyembro ng Batang City Jail.

Sa ulat, bago nangyari ang shootout, dakong alas-3:00 ng madaling araw ay nagsasagawa ng anti-criminality patrol ang mga otoridad nang magsumbong sa kanila ang isang Richard Latoza na may naganap na panghoholdap sa isang pampasaherong jeepney sa Payatas Road kanto ng Majas St., Brgy. Payatas, Quezon City.

Nagresponde ang mga otoridad at naispatan ang dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo na kanilang sinita.

Subalit, agad umanong bumunot ng baril ang mga suspek at pinaputukan ang mga pulis at masuwerteng walang tinamaan.

Kaya’t gumanti ng putok ang mga otoridad na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang suspek.

Show comments