Pulis timbog sa pangongotong

Kinilala ni PNP-IMEG Director Police Colonel Romeo Caramat Jr., ang nasakoteng suspek na si Police Staff Sergeant Darwin Ona, nakatalaga sa Mataas na Kahoy Municipal Police Station (MPS) ng Batangas Police.
File

MANILA, Philippines — Isang aktibong pulis ang inaresto ng mga operatiba ng PNP-Integrity Monitoring Enforcement Group (PNP-IMEG) matapos itong ireklamo ng extortion, kapalit ng pag-aayos umano ng titulo ng kaniyang lupa sa ­isinagawang entrapment operation sa Lipa City, Batangas kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PNP-IMEG Director Police Colonel Romeo Caramat Jr., ang nasakoteng suspek na si Police Staff Sergeant Darwin Ona, nakatalaga sa Mataas na Kahoy Municipal Police Station (MPS) ng Batangas Police.

Sa ulat, bandang alas-10:40 ng gabi nang masakote ng mga elemento ng PNP-IMEG ang suspek sa entrapment operation sa bahay ng biktimang si Gng. Maria Cecilia Yabut Ikeda sa Purok 6, Brgy. Inosluban, Lipa City sa aktong tinatanggap ang P40,000 mula sa biktima.

Sa salaysay ni Ikeda, ang suspek at dalawang iba pa na sina Philippine Air Force Colonel Maria Cecilia Christine Magnaye at isang alyas Bill ay ipinakilala lamang sa kaniya ng kaniyang kapitbahay noong Hunyo 25, 2019 na makakatulong umano ng malaki para mapabilis ang pag-aayos niya ng titulo ng kaniyang lupain sa Land Registration Authority (LRA).

Humingi umano ang mga suspek ng paunang bayad na P 40,000 mula sa complainant at mula noon ay halos araw-araw na ang mga itong nanghihingi ng karagdagang pera hanggang sa umabot na sa P 100,000 ang kaniyang naibibigay. Noong nakaraang linggo, sinabi umano ng grupo na kailangan nila ng karagdagang P400,000 kaya ibinenta ng complainant ang kanyang Montero sa kaibigan ni Col. Magnaye, at ibinigay umano ang perang pinagbentahan sa opisyal.

Sa kabila nito? ay hindi pa rin naayos ang problema sa lupa ni Ikeda at nanghingi pa ng karagdagang 40,000 si Ona kaya dito na nagduda ang biktima at  isinuplong ang suspek sa tanggapan ng PNP- IMEG na nagresulta sa pagkakaaresto nito.

Show comments