MANILA, Philippines — Agad na pinasibak ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kay MPD Director P/Brig.General Vicente Danao ang PCP Commander ng Lawton dahil sa nagkalat na ebak ng tao sa paligid ng Bonifacio Shrine.
Unang nagsagawa ng inspeksyon si Domagoso sa mga karinderya sa likod ng monumento ni Bonifacio at inutos ang paggiba at sunod na pinuntahan ang buong paligid ng monumento kung saan ay minalas na makatapak ng ebak.
Ayon kay Domagoso na ito na ang pinakamala-king banyo na kanyang nakita dahil ginawa ng kubeta ang Bonifacio Shrine kung saan may 100 tumpok ng dumi ng tao ang nagkalat.
Kaya’t agad tinawa-gan ni Domagoso si Danao para sa agarang pagsibak sa puwesto kayP/Lt. Ro-wel Robles na siyang PCP commander sa Lawton.
Anya, masyado nang binaboy at sinalaula ng mga palaboy ang monumento ni Bonifacio ma-ging ang tanggapan ng alkalde ng Maynila dahil 50 hakbang lamang ang layo nito.
Mabilis binombahan ng tubig at sinanitize ang paligid ng Bonifacio Shrine at inutos ni Domagoso na arestuhin ang sinumang magtatambay sa lugar.