Mag-ama na tribal chieftain, tinodas

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang isang mag-ama na tribal chieftain ng Lumad habang nasu­gatan ang isa pa matapos na sila ay pagbabarilin kamakalawa ng gabi sa Barangay Saniag, Ampatuan, Maguindanao.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Orlando Santos, nasa hustong gulang at ang anak nitong si Michael. Habang nasugatan ang isang Kimboy Fernalino.

Sa ulat, pasado alas-7:00 ng gabi ay sakay ng kanilang motorsiklo ang mag-ama pauwi na sa kanilang ta­hanan nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga suspek.

Ang mag-ama ay namatay noon din dahil sa mga tinamong mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan.

Show comments