Water level sa La Mesa Dam, bahagyang tumaas

Kahapon, naitala ng Hydro-Meteorological Division ng PagAsa ang 70.16 meters na water level sa La Mesa dam na mas mataas sa 69.98 meters na water level noong Miyerkules ng umaga.
KrizJohn Rosales

MANILA, Philippines — Dulot ng mga pag-uulan nitong nakaraang araw sa Metro Manila ay bahagyang tumaas ang water level sa La Mesa Dam.

Kahapon, naitala ng Hydro-Meteorological Division ng PagAsa ang 70.16 meters  na water level sa La Mesa dam na mas mataas sa 69.98 meters na water level noong Miyerkules ng umaga.

Gayundin ang Ambuklao sa Bokod Benguet province at Binga Dam sa Itogon Benguet ay nakapagtala rin ng bahag­yang pagtaas ng water level dahil sa naranasang pag-ulan malapit sa natu­rang mga dam.

Subalit, patuloy pa rin ang pagbaba ng water level sa Angat dam sa Bulacan dahil walang nararanasang paglakas ng ulan doon para tumaas ang tubig.

Ang Angat dam ay nakapagtala ng 158.15 meters na water level kahapon na mas mababa sa 158.40 meters na water level ng dam noong Miyerkules.

Ang kalapit na dam ng Angat na Ipo, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya Dam ay pawang bumaba rin ang water level dahilan sa kawalan ng malakas na pag ulan doon.

Ang Lamesa dam ang pinagkukunan ng tubig ng water concessionaire na Manila Water. Habang ang Angat dam ang pinagkukunan ng water concessionaire na Maynilad Water.

Show comments