Binatilyo tigok sa nainom na insecticide

MANILA, Philippines — Namatay habang ginagamot sa ospital ang 14-anyos na si Axell Orcine, grade 9 student ng Hanawan High School makaraang aksidenteng mainom ang isang baso ng insecticide na napagkamalang tubig sa Brgy. May-Ogob, Ocampo, Camarines Sur, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat, dakong alas-6:00 ng gabi ay pagod at uhaw na uhaw ang biktima sa pag-uwi sa ka­nilang bahay mula sa pag­laro ng basketball.

Nang makita ang isang baso sa lamesa na inakalang tubig ay agad tinungga ito at ilang sandali ay nakaramdam ito nang pagsama ng pakiramdam kasunod ang pagsusuka.

Naikwento pa ng bina­tilyo sa kanyang mga ka­anak ang nangyari pero dahil nagsusuka na ay ina­kalang naubos nang nailuwa ng biktima ang nainom insecticide ay hindi na siya dinala sa pagamutan.

Kinagabihan ay su­mama na ang pakiramdam nito kaya’t isinugod na siya sa ospital at namatay kamakalawa ma­karaan ang ilang araw na pakikipag­laban kay kamatayan.

Ayon sa inang si Ruby Orcine, hindi nila alam kung sino ang naglagay ng insecticide sa baso na ipinatong sa lamesa kasama pa ang ilang baso.

Ang insecticide ay gi­nagamit ng lola ng biktima sa pagtatanim ng gulay sa kanilang bukirin.

Show comments