66 atleta nalason sa pagkain

MANILA, Philippines — Isinugod sa pagamutan ang nasa 66 atleta na kasama sa Eastern Visayas Regional Athletic Association (EVRAA) Meet sa Ormoc, Leyte matapos na malason sa kanilang kinain.

Base sa ulat ang 66 na isinugod sa pagamutan ay mula sa Biliran school divisions matapos na makaranas ng pananakit ng tiyan at pagsusuka.

Hindi naman masiguro kung ano ang pagkaing kinain ng mga atleta kaya sumakit ang kanilang tiyan.

Sa kabila nito, nakalabas na ng ospital ang  55 na manlalaro  kahapon ng umaga habang patuloy na ginagamot pa rin ang 11 iba pa.

Ang anim na araw na EVRAA Meet 2019 ay nagsimula lamang kahapon.

Show comments