MANILA, Philippines — Sa mismong pag-aari na restoran pinagbabaril ang isang ginang na asawa ng pinatay na pulis sa Sta. Ana, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Namatay noon din ang biktimang si Maricel Padpad, 45, maybahay ng dating miyembro ng Quezon City Police District na si SPO3 Dennis Padpad na kabilang sa “ninja cops” sa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ulat, bago naganap ang krimen dakong alas-11:10 ng gabi ay nakaupo ang biktima sa malapit sa pinto ng kanyang Mad Wings Bar and Restaurant na matatagpuan sa Tejeron St., kanto ng Syquia St., Sta. Ana, nang pagbabarilin ng isang lalaki.
Nang makitang bumagsak na ang biktima ay pinuntahan nito ang kasama na nakaantabay sa motorsiklo at pinaharurot palayo.
Bago ang krimen ay mga pagtatangka na sa buhay ng biktima na la-ging tumatapat sa kanyang resto bar.
Matatandaang noong Mayo 29, 2017, alas-6:20 ng gabi nang pagbabari-lin sa SMJV Body Fitness Gym na matatagpuan sa A. Francisco St., Sta. Ana, Maynila si SPO3 Padpad na nagretiro na sa ser-bisyo matapos ipatapon sa Mindanao at kasama sa high value target.