Dating nobyo ng dalagitang binalatan, hindi pa lusot sa kaso

MANILA, Philippines — Kahit na pinalaya ng korte ang 17-anyos na dating nobyo ng dalagitang si Christine Lee Silawan na pinatay at binalatan ang mukha ay hindi pa ito lusot sa kaso.

 

Ito ang mariing sinabi kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Oscar Albayalde dahil ang sabi ng korte ay hindi na siya puwedeng arestuhin nang panahon na iyon dahil walang warrant of arrest at hindi sumaklaw sa hot pursuit operation at pinalaya dahil sa teknikalidad.

“Unfotunately he was released. Number 1 he is underage, he is 17 years old and the court says although it is being handled by the NBI (National Bureau of Investigation) already, ang nakita lang natin sa decision is number 1 ay hindi raw siya hot pursuit operation but he is not  off the hook ha”, punto pa ng PNP Chief.

Iginiit naman ni Albayalde na nanatiling panguna­hing suspek ang dating nobyo ni Silawan at maari pa rin itong arestuhin kapag nakapag-isyu na ng warrant of arrest ang korte.

Magugunita na si Silawan, high school student at kolektor sa simbahan ay brutal na pinaslang noong Marso 10 ng gabi ng tinatayang isa hanggang dalawang salarin.

Show comments