MANILA, Philippines — Dalawang radio broadcaster na kinilalang sina Eric Dugaduga Rodinas, anchor ng Radyo Natin at Larry Baja Subillaga, kapwa residente ng Kidapawan City ang hinatulan ni Judge Jose Tabosares ng Kidapawan City-RTC Branch 23 ng apat hanggang walong taon at isang araw na pagkakabilanggo at pinagbabayad ng P2 milyon bawat isa nang mapatunayang nagkasala sa kasong cyber libel na isinampa ni Gov. Lala Taliño Mendoza.
Nag-ugat ang kaso ng dalawa matapos na mag-post si Dugaduga ng mga malisyosong salita laban kay Mendoza sa kanyang facebook account na “malinaw na mayaman ang gobernador. ‘Ang project kawatan pa mao nani resulta?’ na ang proyekto ninanakaw kung saan ay nagkomento rin si Subillaga na niloloko umano ng punong ehekutibo ang mga mamamayan ng probinsiya.