MANILA, Philippines — Isang executive order ang inilabas ng Malacañang na magtatakda ng panuntunan, regulasyon, at maging papayagang gastos at allowance ng mga opisyal at kawani ng gobyerno sa kanilang biyahe sa loob at labas ng bansa
Sa ilalim ng Execu-tive Order 77, kailangang aprubado ng Pangulo ang opisyal na mga biyahe sa ibang bansa ng mga kalihim, pinuno ng government owned ang controlled corporations, pati board members at pinuno ng national government agencies.
Alinsunod sa EO 77 pinapayagan naman ang business class na booking sa eroplano para sa mga biyaheng apat na oras pataas ang haba.
Idinetalye rin ng EO ang papayagan lamang na halaga ng daily expenses, allowance, clothing allowance depende sa layo ng biyahe.
Binibigyang-diin din ng EO na bawal na ang travel junkets o ang pamamasyal sa ibang lugar gamit ang pondo ng gobyerno.
Bawal na rin magsagawa ng planning workshops at teambuilding sa labas ng bansa.
Inuutos din ng EO na isang buwan matapos makarating sa bansa, kailangan magpasa ng report patungkol sa dinaluhang conference at seminar, kung naging bahagi naman ng international convention ay kailangan bigyan din ng kopya ang Office of the President.
Ang kabiguang makapagpasa nito ay mahaharap sa disciplinary action ang mga concern na go-vernment officials.