MANILA, Philippines — Isang tricycle driver ang nasawi nang mabundol ng isang trak na magsusugod sana sa ospital sa dalawang sakay ng motorsiklo na bumangga sa isang bahay naganap kamakalawa sa Brgy. District One, Benito Soliven, Isabela.
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Rendel Cayanan, 27, tricycle driver at Paulino Vergara, 42.
Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-5:15 ng hapon ay nagmalasakit na hintuan ng truck driver na si Ricardo Collado sina Vergara, at Jessie Arreniego, 45 na sumalpok ang motorsiklo sa isang abandonadong bahay para dalhin sila sa ospital.
Mabilis na pinatakbo ni Collado ang trak nang mawalan ito ng kontrol sa pagmamaneho at nasalpok ang tricyle ni Cayanan at pick-up na minamaneho ni Felipe Domingo, 41.
Dahil sa nangyaring sakuna ay hindi nakarating ng buhay si Vergara sa ospital habang inoobserbahan si Arreniego.
Namatay naman habang ginagamot sa isang pribadong pagamutan si Cayanan.