Pagbabawal sa importasyon ng karne ng baboy, ipatupad - AGAP

Ayon kay AGAP President Nicanor “Nikki” Briones, maging sa maunlad na bansang Japan at Vietnam ay nakapasok na rin ang sakit na African Swine Fever.

MANILA, Philippines — Bunsod ng patuloy na paglawak ng pinsala ng African Swine Fever na nanalasa sa 15 bansa ay agad na hiniling ng Agricultural Sector Alliance of the Philippine (AGAP) na magpatupad ang gobyerno ng ‘total ban’ sa loob ng 3 hanggang 6 na buwan ang importasyon ng karne ng baboy.

Ayon kay AGAP President Nicanor “Nikki” Briones, maging sa maunlad na bansang Japan at Vietnam ay nakapasok na rin ang sakit na African Swine Fever.

Anya, kapag hindi itinigil ng pamahalaan ang importasyon ng karne ng baboy ay malalagay sa peligro ang P200-bilyong “business industry” ng mga nag-aalaga ng baboy sa bansa.

Sinabi pa ni Briones sa isang media forum sa QC na 95-percent ng mga karne ng baboy sa merkado ay nagmumula sa lokal na mga nag aalaga ng baboy.

Nilinaw din ni Briones na ang pagkain ng baboy na kontaminado ng African Swine Fever ay hindi naman nagreresulta sa kamatayan.

Show comments