Mga pari bibigyan ng seguridad ng PNP

Ito ang inihayag ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde nang makipagpulong kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle kaugnay ng natatanggap na death threats ng ilang mga pari.
PPD/Karl Norman Alonzo/File

MANILA, Philippines — Handa ang Philippine National Police (PNP) na bigyan ng security protection ang mga pari na nakakatanggap ng death threats.

Ito ang inihayag ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde nang makipagpulong kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle kaugnay ng natatanggap na death threats ng ilang mga pari.

Magugunita na nitong Lunes ay nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa sinuman na nagbabalak ng masama laban sa mga pari at mga Obispo na huwag gagawa ng anumang kamalian sa kabila ng mga nauna ng mga itong kamalian.

Sinabi ng Pangulo na sinumang nagbabalak gumawa ng masama laban sa mga Obispo at pari ay mananagot sa kanya.

Show comments