MANILA, Philippines — Nakauwi pa ng bahay ang dalawang lalaki bago nalagutan ng hininga matapos makainom ng formalin na inakala nilang tubig sa kanilang pag-iinuman kamakalawa matapos malason sa kabundukan ng Mt. Sikapo sa Calanasan, Apayao kamakalawa.
Kinilala ni Insp. Allan Mangiwet, hepe ng Calanasan PNP ang mga nasawi na sina Basilio Bataan, 53, isang CAFGU at Garciano Lagitnay, 62 na kapwa taga Brgy. Butaw ng nasabing bayan.
Sa ulat, lasing na umano ang dalawang biktima at napagkamalan na tubig ang kanilang tinunggang “chaser” habang nag-iinuman kasama ang iba pang manga-ngaso sa bundok.
Nabatid na kaya may formalin sa lugar ay ginagamit ito ng mga mangangaso na pang preserba ng mga napatay nilang hayop upang hindi mabulok ang karne hanggang makauwi sila sa kaba-yanan.
Kahit agaw-buhay ay nagawa pa ng mga biktimang makauwi at ikuwento sa kanilang pamilya ang nangyari at ilang sandali ay namatay na ang mga ito.