Biyudo dedo sa ‘sarap’

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay ang isang 70-anyos na biyudo matapos itong kapusin ng hininga nang maki­pagtalik sa isang 24 anyos na babae sa kanilang bahay sa Asingan, Pangasinan.

Ang nasawi ay kinilalang si George Martinez Sr. Sa ulat, dakong alas 11:40 noong Sabado ng gabi nang isugod sa pagamutan si Martinez dahil sa nahihirapang huminga bago tuluyang nawalan ng malay tao sa kanyang bahay sa Barangay Ariston West ng naturang lugar.

Inalis naman ng pulisya ang anggulong foul play sa naturang insidente dahil walang indikasyon ng may naganap na krimen.

Sinabi rin ng mga kamag-anak ni Martinez sa pulisya na may hypertension ito na posibleng dahilan ng kanyang pagkasawi matapos ang pakikipagtalik.

Show comments