PO1 kulong sa pagwawala at paghahamon ng away

Sa salaysay ng complainant na si Abilardo Garcia, ng Block 1, Lot 18, Phase 7, Brgy Bagong Tanyag sa nasabing lungsod na dakong ala-1:40 ng madaling araw nang siya ay magising mula sa pagkahimbing ng tulog dahil sa nagaganap na komosyon sa labas ng bahay.

MANILA, Philippines — Selda ang kinabagsakan ni PO1 Agustin Cedillo alyas Teng, nakatalaga sa Makati City Police Station matapos na ireklamo ng dalawang residente dahil sa pagwawala at panghahamon sa mga bystander at pagpapaputok pa ng baril sa Taguig City kahapon ng madaling araw.

 

Sa salaysay ng complainant na si Abilardo Garcia, ng Block 1, Lot 18, Phase 7, Brgy Bagong Tanyag sa nasabing lungsod na dakong ala-1:40 ng madaling araw nang siya ay magising mula sa pagkahimbing ng tulog dahil sa nagaganap na komosyon sa labas ng bahay.

Nang tingnan ay nakita niya ang suspek na si PO1 Cedillo na nagpaputok ng baril paitaas habang pinagbabantaan ang mga dumadaang  bystander sa lugar kabilang ang biktimang si Ronnel Enore.

Agad nilang itinawag ito sa mga pulis na agad rumes­ponde at inaresto ang kanilang kabaro na si PO1 Cedillo na nahaharap sa alarm and scandal.

Show comments